Linggo, Setyembre 22, 2013

Bayaning Manglalakbay


Ang Jose Rizal ng aking pagkabata ay nanggaling mula sa mga libro at paaralan. Natatandaan ko siya bilang isang mag-aaral, isang manunulat, isang artist, isang siyentipiko, isang doktor at mas mahalaga bilang ating pambansang bayani. Ngunit bakit hindi ako makakita ng sinuman upang ipaliwanag sa akin kung bakit kailangan naming kabisaduhin ang SAMPUNG (10) mga pangalan ng mga kababaihang konektado kay GAT Jose Rizal para sa paghahanda sa isang pagsusulit sa kalse ng kasaysayan? Nadama ko na ang ilang mga bagay tungkol kay Rizal ay mahirap intindihin.


Sa pagbabalik tanaw, napagtanto ko na kaya namin yun ginawa dahil si Rizal ay isang bayani at parte ng ating kasaysayan na kadalasan ay di natin sinasadyang kalimutan. Si Rizal ay isang lingguwista, kritikal magi sip at higit sa lahat isang Renaissance man.


Sa paghahanap ng magiging paksa para sa aming blog tungkol kay Gat Jose Rizal ay napagkasunduan namin ng aking kaibigan na halukayin namin kung saan napadpad at kung paano namuhay sa ibayong dagat ang ating pambansang bayani. Nang nakabasa kami ng blog tungkol sa paglalakbay ni rizal ay naramdaman namin malapit kami kay Rizal ang the one. Dahil mahilg din kami mag lakbay ng aking kaibigan. Hindi ko tuloy maiwasang ipaghambing ang paraan ng paglalakbay ni Rizal noon sa paraan ng paglalakabay ng ating panahon ngayon. Kung may internet lang siguro noon ay proud na ipagmamalaki ni Rizal ang kanyang mga pag lalakbay.




Edited by: Jobert Dagalea

Rizal Ang Solowistang Manglalakbay

Sanay maglakbay si Rizal ng nag iisa. Sa unang pagkakataon nya na pumunta sa Spain ay siya lang ang nag-iisang Filipino na nakasakay sa steamer mula Singapore hanggang Colombo at Colombo papuntang Spain. Madali siyang nagkaroon ng kaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng lengguwahe. Nasabi na French ang gamit na salita ng mga nakasakay sa sa steamer. Sinubukan ni Rizal na makipaghalubilo at makipag kwentuan ngunit nalaman nya na ang pagsasalita nya ay mali mali. Kaya naman hinaluan nya ito ng Spanish-Latin sa tulong nag pagsusulat muna sa isang piraso ng papel.

Sa paglipas ng panahon ng paglalakbay ni Gat Rizal sa iba’t ibang parte ng Europe, nagkaron siya ng interes sa musika, literature at isports. Sa kabila ng pagiging abala niya bilang isang ophthalmologist ay sinubukan nya nag kanyang kakayahan sa piano, pagkanta, pag-ukit, ligguwistik, iskrima, at paghawak ng baril. 



Rizal Bayaning Matipid

Siguro si Rizal ay minsang nahuhusgahan ng ibang Filipino bilang isang konyo o laking aircon kid dahil nanggaling siya sa mayamang pamilya , nakapunta na ng ibang bansa at naging isang Atenista. Akin itong babaguhin sa unyong isipan. Hindi konyo si Rizal!

Pangalawa, hindi alam ng karamihan na nagging mahirap ang buhay ni Rizal sa ibang bansa lalo na sa Spain. May mga pagkakataon na hindi nakapagbibigay ang kanyang utol na si Paciano ng kanyang buwanang panggastos kaya walang butas lagi ang bulsa ng ating pambansang bayani. Isang bese lang siya kumakain sa isang araw at kung minsan ay walang wala talga, lilibot lang siya sa mga kainan, titingin at aamoy amoy sa mga pagkain. kailangan nyang labhan ang sariling damit dahil wala siayang pambayad sa labandera. Nag trabaho din siya bilang isang proof-reader sa isang publishing firm para magkaron ng kaonting pera.
Edited by: Ian Santamaria


Madiskate din itong ating pambansang bayani. Madalas ay pumupunta siya sa mga pagtitipon at nagpiprisintang magbibigay ng maikling salita sa entablado para lang magkaron siya ng libreng pagkain.

Madalas din siyang makituloy sa bahay ng mga kaibigan gaya nila Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa halip sa mga mamahaling hotel. Hindi man siya nakatip, nakatulong naman ito para maranasan nya ang local na kultura sa pamamagitan ng pagiging malapit sa mga iba pang Filipino. Hindi nahirapan si Rizal na humingi ng tulong sa ibang tao. Siya ay talentado, mabait at matalinong tao na unto unting sumisikat sa Europe.



Kung buhay pa si Rizal


Meron akong nabasang artikulo dati pero hindi ko matandaan kung sino ang nagsulat, sinabi nyang “ kung buhay pa si Rizal ngayon, siguradong maayos ang bihis niyan, malinis at mabango tingan at laging sunod sa uso ang fashion nya. Puwede ring iba na ang ayos ng buhok niya. One side parin pero may mga patayo tayo na sa likod at sa gilid. Meron din siya sigurong koleksyon ng relo dahil hindi nga siya nag sasayang ng oras.”

Nakakatuwang isipin ang mga nabasa ko. Napaisip tuloy ako, siya siguro ang may pinakamaraming friends sa fb at followers sa twitter. Isa na rin siya sigurong sikat na blogger. Wala siguro syang private life ngaun, laging may nakatutok na kamera sa lahat ng kanyang aggulo. Kung meron man siyang facebook account, isa na siguro ako sa kanyang mga friends at likers.

Magiging pabor ba siya sa Rh bill? Sabay sabay tayong  magsasabing oo. Pano naman sa capital punishment? Siguro hindi dahil si Riza ay nangangampanya sa karapatang pantao. Laban ba siya sa korapsyon? Malamang oo dahil tungkol nga sa korapsyon ang dalawa niyang libro na Nolo Me Tangere at El Filibusterismo. Baka senador siya ngayon o kaya naman presidente at nakatutok sa sa kampanya laban sa korapsyon parang si PNoy DAW.



Rizal bilang Travel Blogger


Edited by: Jobert Dagalea
Kung buhay siya ngayon, si Rizal ay magkakaroon ng malaking papel sa larangan ng cyber world. Hindi na ko magtataka kung magkakaroon siya ng sariling wbsites para sa kanayang mga obra at literature, para sa kanyang bagong tuklas na bagay o hayop at higit sa lahat, website na naglalaman ng kanyang pangangampanya laban sa pang-aabuso sa karapatan pantao.

Pero maliban sa pagiging human rights fighter ni Rizal. Mas magiging interesado ako kung magiging travel blogger siya. Magiging maganda ang kanyang blog, magkakaroon siya ng magandang paglalarawan sa isang lugar at makabuluhang obserbasyon sa iba’t ibang kultura, samahan mo pa ng magandang tula para sa bawat lugar na napuntahan niya.


11 komento:

  1. Wata Nice Ian!!!galing!!=)

    TumugonBurahin
  2. Napakahusay! :)) isang madamdaming paglalahad ukol sa ating pambansang bayani! Ipagpatuloy mo lang yan.. Muli, napakahusay!

    TumugonBurahin
  3. ang galing galing :) napakasayang isipin na hindi pa rin nalalaos si Rizal sa puso ng bawat pilipino. naway patnubayan ka niya sa iyong pag-aaral :)

    TumugonBurahin
  4. Ipagpatuloy mo ang pagpapakalat ng kabayanihang ginawa ni Rizal para sa ating mga Pilipino!

    TumugonBurahin
  5. galing! Continue feeding the minds of the new generation about our Filipino heroes. :)

    TumugonBurahin
  6. Isang makabagong paraan upang buksan ang isipan ng mga kabataang nalilimutan na ang kanilang pinagmulan ;)

    TumugonBurahin
  7. Mahusay na ipinakita nyo ang isang bahagi ng pagkatao ni Rizal na hindi marahil alam ng marami, ang pagiging manlalakbay nya. New perspective to view our National Hero. Good job!

    TumugonBurahin